“Sigarilyo”

Matagal ng nagbabala ang Gobyerno na masama ang pagsisigarilyo sa kalusugan ng tao. Dahil ito ay may matinding epekto sa ating iba’t-ibang bahagi ng katawan kasi ito ay merong taglay na mga kemikal na nagdudulot ng sakit na kanser at iba pa. Ngunit sa kasalukuyan ay talamak pa rin ang pagsisigarilyo sa ating komunidad at sa iba pang lugar. Ano ang ibigsabihin nito? Malala na ang pagkalulong ng mga tao sa bisyong ito.
Adiksyon ang tawag sa estado na kun saan ay patuloy na hinahanap-hanap ng katawan ang isang bagay. Ayon sa aking sariling karanasan ang pagsisigarilyo ay naging parte ng aking buhay sa araw-araw na pamumuhay na hinahanap ng aking katawan na nagtatanggal ng pagod at sakit ng ulo. Karapatan naman kasi ng isang tao ang pumili ng kaniyang gagawin kahit ito man ay masama o mabuti. Ang kailangan na lang sigurong gawin ay protektahan din ang karapatan ng mga hindi nagsisigarilyo upang hindi sila madamay sa bisyong ito ng nakakarami na maaring pagsisihan balang-araw.
Hindi nagkulang ang pamahalaan sa paalala, mismong nakalagay na sa pakete ng sigarilyo ang paala.
-Manaeg

Leave a comment