Ang kinabukasan ng isang tao ay importante lalo na para sa mga kabataan dahil mahaba pa ang oras na tatahakin nila sa mundo.
Kapag ang kabataan ay masipag ang buhay nito ay tumatagtag at nagsusumikap. Kahit mahirap ay iaalay ang pawis para sa kinabukasan at nang tayo ay mabiyayaan, huwag kalilimutan at laging tandaan ang daan dapat ng kabataan ay paitaas. Ano man ang iyong gawin, kahit yun at yun din ang gawin mong magaling basta sa puso nanggaling.
Iwasan ang pagkakamali na naranasan na, huwag masangkot sa mga alam mong bawal dahil sa huli ang pagsi-sisi. Ipakita ang tunay na lakas at na sayo ang pag-asa mo bukas.
-Felizarte
Author: groupwritersblog
“Sigarilyo”
Matagal ng nagbabala ang Gobyerno na masama ang pagsisigarilyo sa kalusugan ng tao. Dahil ito ay may matinding epekto sa ating iba’t-ibang bahagi ng katawan kasi ito ay merong taglay na mga kemikal na nagdudulot ng sakit na kanser at iba pa. Ngunit sa kasalukuyan ay talamak pa rin ang pagsisigarilyo sa ating komunidad at sa iba pang lugar. Ano ang ibigsabihin nito? Malala na ang pagkalulong ng mga tao sa bisyong ito.
Adiksyon ang tawag sa estado na kun saan ay patuloy na hinahanap-hanap ng katawan ang isang bagay. Ayon sa aking sariling karanasan ang pagsisigarilyo ay naging parte ng aking buhay sa araw-araw na pamumuhay na hinahanap ng aking katawan na nagtatanggal ng pagod at sakit ng ulo. Karapatan naman kasi ng isang tao ang pumili ng kaniyang gagawin kahit ito man ay masama o mabuti. Ang kailangan na lang sigurong gawin ay protektahan din ang karapatan ng mga hindi nagsisigarilyo upang hindi sila madamay sa bisyong ito ng nakakarami na maaring pagsisihan balang-araw.
Hindi nagkulang ang pamahalaan sa paalala, mismong nakalagay na sa pakete ng sigarilyo ang paala.
-Manaeg
“Curfew”
Ang curfew ay ang takdang oras o hudyat ng pagbabawal sa mga taong sibilyan na lumabas ng kani-kanilang mga bahay. Ito rin ang oras o hudyat kung kailan dapat umalis na sa lansangan at umuwi na patungo sa tahanan. Tinatawag din itong oras ng pagsara.
Maraming lungsod at bayan na may batas tungkol sa curfew upang maiwasan ang mga kabataan sa paglabas ng gabi. Sino man ang menor de edad na makikita at mahuhuli pagkalipas ng oras ng curfew ay maaring mamultahan o mabilanggo, depende sa tiyak na batas ng bayan. Talagang nakakadismaya ang curfew, lalo na kung nalilimutan nito ang pakikisama mo sa iyong mga kaibigan. Natural lamang na gusto mo maging mas malaya habang lumalaki ka at ang magandang libangan ay talagang nakakagaan ng pakiramdam.
Nandiyan ang curfew hindi dahil walang tiwala sa iyo ang iyong magulang, bagkos nandito ito para sa iyong kaligtasan. Maraming nagaganap na krimen sa gabi, kahit ikaw pa ang pinakamaingat na tao sa buong mundo ay imposibleng lalayo sayo ang pahamak. Ang curfew ay para sa kaligtasan ng bawat tao sa isang pamayanan.
-MonzonCurfew

-Monzon
Rally: Kailangan pa ba talaga?
Ang rally ay isang pagtitipon ng isa o maraming grupo ng mga tao na nais ipahayag ang kanilang negatibong reaksyon sa isyu na nangyayari sa isang bansa, lalawigan o bayan. Ngunit ano nga ba ang mapapala nila pagtapos nito?
Lahat ng tao ay may karapatan upang makapagpahayag ng kanilang reaksyon tungo sa mga isyu nangyayari sa ating bansa, higit pa kung ito ay naaapektohan ang kanilang pamumuhay. Ngunit kailangan pa ba ito idaan sa maingay at magulo na paraan? May mga ibang tao naman na tumatahimik na lang at umiisip kung paano mabuhay at umunlad sa isang mahirap na estado ng buhay. Bakit hindi na lang subukan ng mga maiingay na nagrarally na pakalmahin ang kanilang pagiisip? Katulad nga ng isang halimbawa na madalas sabihin sa sa atin “Ang latang walang laman kapag binagsak ay maingay, samantala ang latang puno ng laman kapag binagsak ay may kaunting ingay lang”. Bakit puro na lang reklamo? Imbes mag-isip o dumiskarte upang mabuhay sa ganitong estado.
Ito ay para malaman ng ibang maiingay at magugulo na nagrarally na hindi solusyon ang pagbibigay ng malaking kaguluhan. Itigil ang pagrereklamo at palawakin ang pag-iisip, dumiskarte na lang at huwag umasa sa puro hirit sa ating Gobyerno.
-Badon
The Journey Begins
Thanks for joining me!
Good company in a journey makes the way seem shorter. — Izaak Walton